Sponsored Links
Advertisement

LGBT+ member Archie to transwoman Gretchen: Sis, tama na, ang laki ng problema sa mundo

Viral ngayon ang video ng isang member ng LGBT+ community na si Archie Gray Smile, kung saan niya hiniling sa transwoman na si Gretchen Diez na kumalma na ito.

“Ako po ay isang bakla, I am part of the LGBTQ, miyembro po ako niyan pero ito po ang point ko for my sister Gretchen. Sis, tama na, ang laki ng problema sa mundo. ‘Yong ifo-focus natin, hindi ‘yong rights na gusto natin,” sabi niya.

“Sis, kahit ako bakla, nagsi-CR po ako sa mga lalaki….Tama na, alam na po ng tao, na-educate na po sila sa mga right natin. Please naman, sis,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag din niya kung bakit hindi magandang ideya ang “jingle neutral comfort room”. Aniya, may karapatan din maging ang mga straight na babae at lalaki.

As of posting, lampas two million views na ang nakuha ng video. Nag-uumapaw na suporta at pagsang-ayon na rin ang natanggap ni Archie.

Kamakailan ay nag-viral si Gretchen matapos umanong pagbawalang gumamit ng women’s restroom sa isang mall sa Quezon City. Ilang araw pagkatapos nito, sinabi niya na handa siyang sumabak sa politika kung ito ang kinakailangan niyang gawin para maging boses ng LGBT+ community at maipaglaban ang equality sa bansa.

“Now that I’m given the education, and now I’m given this privilege to be the voice of the LGBT+ community, or being the voice for equality, I’m willing to maximize all of the power that’s in front of me para makapag-advocate ng change sa ating bansa. If it takes running for office, then I’m open for that,” aniya.

Paliwanag ni Gretchen, siya mismo ay paulit-ulit na nakaranas ng diskriminasyon dahil sa kanyang kasarian.

“Sa mga nagsasabi na gusto nila akong tumakbo, ako po ngayon, sa totoo lang po, gusto ko lang po mabigyan ng katarungan ‘yong nangyari po sa akin kasi po 28 years po ako nabubuhay sa mundo, 28 years ko po naranasan ang diskriminasyon. Noong mga panahon pong ako’y bata pa, wala pa akong edukasyon, wala pa po akong kaalaman sa pagsulong ng karapatan ko,” aniya.

Add Comment