Sponsored Links
Advertisement

‘Di nagpaawat kahit sa mga guwardiya! Misis, sinugod sa kalye ang kabit ng asawa

Dala ng labis na emosyon, hindi na napigilan pa ng isang misis na sugurin ang babae na kabit umano ng kanyang asawa kahit pa nasa pampublikong lugar sila.

Screenshot from Raffy Tulfo Idol’s YouTube account

Sa video na ini-upload ng YouTube account na Raffy Tulfo Idol, makikita kung paano nilusob ng misis ang babae.

Bagama’t hindi maintindihan gaano kung ano ang eksaktong sinasabi ng dalawa, malinaw ang sigaw ng sinabing umanong kabit, “Wala akong kasalanan!”

Gayunman, hindi nagpatinag ang misis at sumagot na, “Malandi ka kasi!”

Hindi nagtagal at sinubukan nang awatin ang dalawang babae. Pinuntahan na rin sila ng dalawang guwardiya na nasa area. Pero sa halip na tumigil, lalo pang lumala ang nangyayaring pisikalan.

Sa huli ay napaghiwalay din ang dalawang nag-aaway.

Screenshot from Raffy Tulfo Idol’s YouTube account

Sa comments section ng video, kinampihan ng mga YouTube user ang misis. Gayunman, wala pa rin sa mga nakapanood–sa personal man o sa internet–ang nakaaalam ng buong kuwento sa likod ng mga alegasyon.

Panoorin ang buong video:

Add Comment