Sponsored Links
Advertisement

Gerald’s mom to Julia: Bata ka sa anak ko, maybe 3 months wala na kayo

Nagpahayag ng pagtutol ang ina ng aktor na si Gerald Anderson sa aktres na si Julia Barretto. Ani Evangeline Opsima, huwag daw sanang maging kasintahan ng kanyang anak ang aktres dahil masyado pa itong bata at baka hindi lamang magtagal ang kanilang relasyon.

Sa interbyu ng ABS-CBN News kay Evangeline, pinayuhan niya si Julia tungkol sa pakikipagrelasyon sa kanyang anak.

“Julia, hindi ibig sabihin hindi kita gusto, bata ka sa anak ko. May edad si [Gerald]. Baka lang ilang taon lang, wala na rin. O maybe three months, wala na kayo,” aniya.

“Hindi ko sinasabing ayaw kita, no, ang akin lang, ang advice ko lang sa’yo, please, ayoko kasi may edad na rin si Gerald sa’yo. Hindi rin kayo magtagal kasi alam ko, nasa industriya ka rin. Alam ko ‘yung relasyon laro lang,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

Till the stars align again, Louie.. ⛩

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Subalit paglilinaw ni Evangeline, wala siyang alam na anumang klaseng ugnayan nina Julia at Gerald maliban lang sa pelikula na ginawa nila.

Ilang ulit na rin sinabi ni Julia na wala silang relasyon ng aktor.

Add Comment