Sponsored Links
Advertisement

‘If it takes running for office, then I’m open’: Transwoman Gretchen Diez

Handa raw sumabak sa politika ang transwoman na si Gretchen Diez kung ito ang kinakailangan niyang gawin para maging boses ng LGBT+ community at maipaglaban ang equality sa bansa.

Video from enteng’s channel

Sa isang panayam, sinabi ni Diez na handa siyang gamitin lahat ng kapangyarihang nasa kanya para maisulong ang pagbabago sa kalagayan ng mga LGBT+ sa Pilipinas.

“Now that I’m given the education, and now I’m given this privilege to be the voice of the LGBT+ community, or being the voice for equality, I’m willing to maximize all of the power that’s in front of me para makapag-advocate ng change sa ating bansa. If it takes running for office, then I’m open for that,” aniya.

Paliwanag ni Diez, siya mismo ay paulit-ulit na nakaranas ng diskriminasyon dahil sa kanyang kasarian. At kamakailan nga ay nag-viral ito matapos umanong pagbawalang gumamit ng women’s restroom sa isang mall sa Quezon City.

“Sa mga nagsasabi na gusto nila akong tumakbo, ako po ngayon, sa totoo lang po, gusto ko lang po mabigyan ng katarungan ‘yong nangyari po sa akin kasi po 28 years po ako nabubuhay sa mundo, 28 years ko po naranasan ang diskriminasyon. Noong mga panahon pong ako’y bata pa, wala pa akong edukasyon, wala pa po akong kaalaman sa pagsulong ng karapatan ko,” aniya.

Video from ABS-CBN

Giit pa ni Diez, hindi naman siguro masama kung magiging bahagi ng gobyerno ang isang transgender na kagaya niya.

“Siguro wala naman pong masama na ang isang transgender na katulad ko ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng boses lalo na po sa ating pamahalaan,” wika niya.

Add Comment