Sponsored Links
Advertisement

Ina ni Gerald Anderson, umaming masama ang loob kay Bea Alonzo

Inamin ng ina ng kontrobersyal na aktor na si Gerald Anderson na masama ang loob nito sa dating karelasyon ng anak na si Bea Alonzo.

View this post on Instagram

Nagabot ang ako mama pero dili ko sure kong lipay ba makita ako 🤷🏻‍♂️😅 #gensan #gensandinner #bisayangdako

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

Sa interbyu ng ABS-CBN News kay Evangeline Opsima, sinabi niya na nasaktan siya sa mga alegasyon sa kanyang anak, lalo na sa mga pasaring na mula sa kampo ni Bea.

“Lagi mong pinapatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?” aniya. “Pati makeup artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko. Bakit, kilala mo ba ang anak ko?”

Para sa ina, hindi patas na maraming sinasabi ngayon ang kampo ni Bea laban sa anak niya habang noong naghiwalay sila ng ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo ay wala naman narinig mula sa aktres.

“Hiniwalayan mo si Zanjoe. You didn’t say anything laban kay Zanjoe. Naghiwalay kayo na matagal kayong [may] relasyon na ilang taon. Dumating sa buhay mo si Gerald. Ngayon tuwing may kamali ang anak ko, tuwing may nagawang mali si Gerald, agad kang lumantad sa TV. Niliit mo ang anak ko,” sabi niya.

Inamin din niya na hindi siya boto sa naging relasyon ng dalawa pero wala siyang nagawa dahil gusto ito ng anak niya.

“Bea, siguro alam mo na ako walang gusto sa’yo bilang naging girlfriend ng anak ko. Pero wala akong magagawa, ginusto ka ng anak ko. Ina niya lang ako. Ginusto ka ng anak ko, minahal ka ni Gerald. Hindi ka niya binastos kailanman,” wika niya. “Ngayon kung may problema kayong dalawa, bakit hindi kayo nag-uusap dalawa? Instead na lumantad ka agad sa TV. Hindi masamang tao ang anak ko.”

Samantala, humingi si Evangeline ng tawad sa anak niya sa ginawa niyang pagsasalita sa issue.

“I’m sorry RJ, I know you’re going to get mad to Mama. I think, son, it’s time to voice out anong naramdaman ko, saan nasasaktan si Mama,” sabi nito

Add Comment