Sponsored Links
Advertisement

Mula sa kubo hanggang sa bahay na bato: 2015 LET topnotcher, nakaahon na sa kahirapan

Muli na namang nagbigay ng inspirasyon ang Top 2 ng 2015 Licensure Exam for Teachers (LET) na si Iah Seraspi; ang topnotcher ng nasabing board examination na nag-viral noon dahil sa kanyang story of success.

Ilang taon na rin ang lumipas simula noong nag-viral ang larawan ng kubo na noon ay tinitirahan ni Seraspi.

Photo from Iah Seraspi

Ngayon ay isang malaking bahay na bato na ang nakatayo sa lugar na kinatatayuan noon ng kanilang kubo. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Iah kung gaano siya kasaya sa katuparan ito ng pangarap niya.

“It all started with a dream. As of the moment, I still can’t believe na nasa harapan ko na ngayon yung matinong bahay na pinangarap namin….This was the exact location of our old house which went viral and changed our lives 180 degrees. This blessing in front of me reminds me of God’s promise when I was still dreaming: No eye has seen, no ear has heard, no mind has conceived what God has prepared for those who love Him,” saad niya.

Malaki raw talaga ang naitulong sa kanya ng pagiging isa sa mga topnotcher niya sa nasabing board examination. Dito niya nahanap ang Carl Balita Review Center na katuwang niya sa pagtupad ng kanyang layunin.

“I chose to open one door which led me to my dreams. I chose to be practical, I chose to dream bigger, I chose to achieve greater heights. After all, it’s not only my dream at stake. It’s my family’s dream too. My work in CBRC demanded a part of my life which I willingly gave. Life here has been so good to me but it was never and will never be easy. I may have enjoyed the luxuries of life but I have a little luxury of time to cherish those moments because I chose not to rest even if we were given the privilege to rest. We were given prerogatives to choose our schedule but I chose to work as long as my body can,”  wika niya.

Hindi naman nasayang ang kanyang mga paghihirap. Simbolo ang malaking bahay ng lahat ng pagod at pagsubok na tiniis niya.

“Seeing this home in front of me reminded me of all the hardships I’ve been through. Walang kapagurang byahe, walang maayos at kumpletong tulog, walang boses at masakit na lalamunan, walang kasiguraduhan kung makakarating ng ligtas sa pupuntahan, walang kasalo kumain at walang kasama matulog, walang oras para magbreakdown kapag nalulungkot at madami pang hirap na di ko na rin maalala kasi pinalampas ko na lang dahil ginusto ko to. Pinili ko to,” wika niya.

Photo from Iah Seraspi

Kailangan mo ba ng inspirasyon ngayon? Basahin ang buong post ni Iah:

(Disclaimer: I’m posting this not to brag. This is specially intended para sa mga naniwala at nagtiwala. )Mahirap…

Posted by Iah Seraspi on Sunday, September 1, 2019

Add Comment