Sponsored Links
Advertisement

3.5 M Pilipino, walang maayos na banyo–DOH

Isa raw sa maaaring sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit ang kawalan ng maayos na palikuran ng humigit-kumulang 3.5 milyong Pilipino.

Ayon sa Department of Health (DOH), dapat mas paigtingin pa ng mga local government ang mga ginagawa nila para matigil ang open defecation lalo na at bumalik na ang polio sa Pilipinas pagkalipas ng 19 taon na polio-free ang bansa.


“One of the reasons na tinitingnan natin kung bakit bumabalik ‘yong polio, hindi lang naman ‘yong low immunization rate, kung ‘di kasama talaga ‘yong poor environmental sanitation,” wika ni Health Undersecretary Eric Domingo.

Target ng DOH na mapunan ang kakulangang 700,000 palikuran sa bansa pagdating 2030; na nangangahulugang 70,000 toilet kada taon. Gayunman, P2 milyon lang ang inaprubahang budget para rito. Dahil dito, kailangan ng DOH ang tulong ng mga pamahalaang lokal.

“Kahit sabihin nating P1,000 ang cost ng isang toilet, ang P2 million, e 2,000 lang ‘yon. Hindi talaga kakayanin ng DOH lang. Kailangan ito magiging concerted effort natin,” dagdag pa ni Domingo.

Add Comment