Sponsored Links
Advertisement

Arci, nainis sa ginawa ni Michelle sa kanyang Sailor Moon Collection?

Trending sa social media ang ginawa ng vlogger na si Michelle Dy sa Sailor Moon Collection ng aktres na si Arci Muñoz.

Sa recent vlog ni Michelle kung saan itinampok si Arci, mapanonood na pinupukpok ni Michelle ang mga brush na hindi pa nagagamit ng aktres dahil nasasayangan daw siya sa mga koleksyon niyang ito.

Sabi ng mga netizen, carelessness daw ang ipinakitang ito ni Michelle.

Agad naman humingi ng tawad ang beauty vlogger, “Hello, everyone, I apologize for the way I handled Arci’s collection, rest assured nothing was damaged/harmed during the shoot. Thank you.”

Gayunman, hindi rin lahat ay tinanggap ang paghingi ng tawad ni Michelle.

Ngunit nainis ba si Arci sa paraan ng pag-nhandle ni Michelle ng kanyang koleksyon?

“Hindi naman, Tito Boy. Gano’n lang talaga ‘yong tawa ko. ‘He-he-he’, mukhang awkward, sagot ni Arci nang tanungin siya ng batikang host na si Boy Abunda sa show nito na Tonight With Boy Abunda.

Sa isa pang panayam, ibinahagi rin ni Arci na sinabihan niya si Michelle na huwag na nitong intindihin ang mga basher niya.  Aniya, isipin na lang nito na nadaragdagan pa ang views sa vlog niya dahil sa mga namba-bash sa kanya.

Add Comment