Sponsored Links
Advertisement

‘Ba’t ang haba?’ Long dedication para isang birthday cake, viral sa social media

“Ba’t ang haba?”

“Ano ‘yan birthday card?

Viral ngayon sa Facebook ang litrato ng form kung saan inilalagay ang mensahe para sa dedication cake. Sa dami kasi ng sinabi ng sumulat, kinulang tuloy ang espasyo ng kahon na nakalaan para sa dedication.

Kung kadalasan ay “happy birthday” at pangalan lamang ng may kaarawan at ng nagbigay ang makikita sa dedication cake, ang saad naman ng mensahe sa form, “Happy, happy birthday! Una sa lahat, gusto kong sabihin sa ‘yo na napakasuwerte ko na nakilala kita. Ikaw ‘yong kaibigan ko na laging maaasahan at laging malalapitan. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa ‘yo. Masaya ako na nakilala kita. Lagi kang mag–”

Hindi na kinuhanan ng litrato ang karugtong ng mensahe na nasa likod ng form, bagama’t sapat na ito para masabi na higit na mahaba ang dedication na ito sa karaniwan.

Nakakuha na ito ng mahigit 24,000 shares at lampas 25,000 reactions. Libo-libo na rin ang nagbigay ng kumento; mga taong aliw na aliw sa kakaibang dedication.

E ano naman kaya ang masasabi ng mga nagtatrabaho sa bakeshop?

“Maawa naman kayo sa amin! Ang haba-haba na po! Pero kaya naman ‘yan kapag large dedication cake!” natatawang sabi ni Kristal Joy Cayena Agorde na ang comment ay may kasama pang mga emoji na nakatawa.

Add Comment