Sponsored Links
Advertisement

Charge sa Transaksyon sa ATM, Tataas ng P3 — BSP

Binigyan na ng basbas ng  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na magtaas ng hanggang P3 kada ATM services. Ito umano ay upang makabawi ang mga ito sa kanilang operating expenses.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier sa pamnayam ng mga reporters, kailangan umano sumunod ang mga bangko sa mga kondisyon partikular na sa pagbibigay ng notification sa kanilang mga kliyente bago ipatupad ang naturang pagtataas.

“There were some few banks who got approved already, but only P3” ani Fonacier.

Sinabi pa ni Fonacier  na bagamat mas malaki umano ang dagdag bayad na hinihiling ng mga bangko,  P3 per transactions lamang ang pinahintulutan ng mga regulators.

“The increase is only up to P3. More than 10 have applied and the one acted so far is less than 10,” dagdag pa ni Fonacier.

Sinabi ng nga opisyal ng  BSP na kailangan munang maging makatarungan ang ginawang proposal ng mga bangko at financial institutions bago aprubahan ng mga ito ang pagtataas..

Tumanggi namang pangalanan ni Fonacier ang mga bangkong nakatanggap ng approval ng BSP dahil tungkulin umano ng mga bangko na sila ang magbigay ng impormasyon sa kanilang mga kliyente hinggil sa pagtataas..

matatandaang nagbigay ng moratorium ang BSP sa pagtataas ng pagpapataw ng service fees sa mga ATM. Nitong nakaraang Agosto, ipinangako ng BSP ang paghihigpit sa pag-a-apply ng mga bangko at financial institution ng dagdag-singil sa serbisyo ng ATM matapos bawiin ang moratorium para dito.

Nag-issue ang BSP ng  Memorandum  2019-020 bilang paalala sa mga BSP supervised financial institutions na manatili sa kanilang prinsipyo  na makapagbigay ng reasonable at market-based pricing para sa serbisyo ng kanilang mga ATM.

Noong April 2018 inaprubahan ng regulator’s Monetary Board ang lifting ng moratorium sa pagtataas ng ATM service fees sa bisa ng  Memorandum 661.

Ayon kay Vicente De Villa III, senior director at officer-in-charge ng BSP’s Financial Technology Sub-Sector, ang kasalukuyang ipinapatupad ng  mga bangko ay nasa pagitan ng  P11 at P15 per transaction na may average na P13 per transaction.

Niliwanag din ni de Villa na ang fee ay kapag lamang gumamit ka ng ATM machine na iba sa bangko mo.

Sinabi rin ni De Villa na kasalukuyan pa ring nirerepaso ng mga regulator ang mga pending applications at ang proseso ay tatagal pa ng 20 banking dayskapag nakumpleto na ang mga kailangang dokumento.

Samantala,  hinihikayat ng BSP ang publiko na gumamit ng iba pang electronic banking channels tulad ng online payments kabilang ang PESONet o InstaPay sa halip na mga traditional cash payments.

“Our call for the public is to keep an open mind in considering other channels, electronic channels, and other modes of banking such as online banking, InstaPay, PESONet, QR codes,” sabi ni Fonacier .

Add Comment