Sponsored Links
Advertisement

#JusticeForDarwin: Netizens, humihingi ng hustisya para sa yumaong PMA cadet

#JusticeForDarwin–ito ang hashtag na ginagamit ng mga netizens na humihingi ng hustisya para sa yumaong Philippine Military Academy (PMA) cadet, ang 20-anyo na si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumanaw si Dormitorio dahil sa “cardiac arrest secondary to internal bleeding” noong Setyembre 18. Nagsabi umano ito na sumasakit ang kanyang tiyan at nagsimulang magsuka sa loob ng barracks.

Ani PMA Spokesperson Major Reynan Afan, posibleng hazing ang dahilan ng nangyari sa binata.

“Looks like hazing may be the cause of death,” wika niya.

Nagsimulang manawagan ang mga tao sa social media; simula sa kamag-anak ng kadete hanggang sa mga kaibigan niya at ng kanyang pamilya, hanggang sa mga ordinaryong tao na nahahabag at nagagalit sa nangyari sa kanya.

To everyone I want to let the whole wide world that my nephew Darwin Dormitorio died tru broken internal organs…

Posted by Ruth Duplito Dioso on Thursday, September 19, 2019

 

My daughter may not be expressive but as a mother, I felt how she is grieving. Its nice to hear that both of you waited…

Posted by Love Realravi on Thursday, September 19, 2019

Marami na rin ang nagpalit ng profile picture sa Facebook para sa yumaong kadete.

Posted by Rafael Bernardo Acosta on Thursday, September 19, 2019

At mas lalo pang nadurog ang puso ng mga tao nang lumabas ang larawan ng huling liham ni Darwin para sa kanyang pamilya.

Samantala, tiniyak naman ng PMA na iimbestigahan nito ang nangyari kay Dormitorio.

“The PMA is extending every necessary support to the family [of Dormitorio]. We ask for the understanding of the public in respecting the privacy of the family and the PMA community to grieve the passing of Cadet Fourthclass Darwin D. Dormitorio CCAFP (Cadet Corps Armed Forces of the Philippines),” ani Afan.

Nasa kustodiya na rin ng PMA ang roommates and upperclassmen ni Dormitorio bilang bahagi ng imbestigasyon.

Hiningi na rin ng PMA ang tulong ng Philippine National Police’s Scene of the Crime Operatives at National Bureau of Investigation.

“This is for us to have a good investigation. We will open up everything, no cover-up will happen, and the investigation will be fair and objective,”paniniyak ni Lt. Gen. Ronnie Evangelista.

Kung mapapatunayang hazing, ito raw ang unang hazing incident na maitatala sa loob ng PMA sa loob ng pitong taon.

Add Comment