Sponsored Links
Advertisement

SSS Nagbabala sa mga Employer na Hindi Naghuhulog ng Kontribusyon ng mga Empleyado

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na nasa 500,000 manggagawa ang nakinabang sa isinagawang condonation program para sa mga employer na hindi naghuhulog ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

“We’re very happy that nearly half a million Filipino private workers will soon enjoy the seven benefits being offered by the pension fund as well as its short-term loan privileges as soon as their employers have fully remitted their contributions to SSS,” ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

Hinihikayat ng SSS ang mga delinquent employers na i-remit ang mga kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa ilalim ng Contribution Penalty Condonation Program (CPCP).

Ang nakolektang pension fund sa kasalukuyan ay umabot na sa P1.81 billion mula sa mga kabuuan at inisyal na bayad ng mga employer na sumunod at nag-avail ng CPCP simula noong Marso hanggang ngayong Setyembre ng taong kasalukuyan.

“The total amount of contribution delinquencies collected under the CPCP amounts to P7.88 billion,” ayon kay Ignacio.

Sa kabilang banda, binigyang babala naman ng SSS ang mga employer na hindi nag-avail ng CPCP. Ayon sa SSS, maari silang sampahan ng kaso.

“Employers who have received their latest statements of account but did not avail of the CPCP that they will be referred to the SSS Operations Legal Department for filing of case or for serving of Warrants of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG),” pahayag ng SSS.

Add Comment