Sponsored Links
Advertisement

LOOK: Anak na babae ni ‘Yorme’, pang-celebrity ang beauty

Waring isang artista kung titingnan ang magandang anak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na si Frances Diane Domagoso.

Si Frances ang nag-iisang anak na babae ni Yorme at ng kabiyak nito na si Diana Lynn Ditan. Apat na lalaki naman ang kapatid nito; sina Vincent Patrick, Joaquin Andre, Franco Dylan, and Drake Marcus.

Wala masyadong nababanggit tungkol sa prinsesa ni Mayor Isko, ngunit sa isang interbyu ay ipinaramdam nito na protective siya sa kanilang dalaga kung pag-uusapan ang mga manliligaw nito.

Samantala, bagama’t private person si Frances, ang kanya namang kapatid na si Joaquin ay mayroong passion sa pag-aartista. Gusto umano nitong sundan ang yapak ng ama na datinga matinee idol.

Matatandaang nag-guest na ang mag-amang Isko at Joaquin noong minsan sa Tonight With Boy Abunda at maraming nagpahayag ng paghanga sa aspiring actor sa pamamagitan ng social media.

Add Comment