Sponsored Links
Advertisement

LRT-1, humingi ng dispensa sa napahiyang transwoman

Humingi ng dispensa ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa transwoman na nakaranas ng pamamahiya mula sa isang guwardya matapos siyang pumila sa area na inilaan para mga kababaihan.

Sa pahayag ng LRMC sa Inquirer.net, sinabi nito na naniniwala ang pamunuan na anumang sexual orientation ng isang tao ay karapat-dapat pa rin siya sa maayos at komportableng biyahe. Hindi rin daw ipinahihintulutan ang anumang klase ng diskriminasyon.

“Light Rail Manila Corporation believes that all passengers, regardless of their sexual orientation, deserve a safe, comfortable and reliable transportation that does not tolerate any form of discrimination,” anang LRMC.

Samantala, nilinaw ni Evangelista na hindi siya kumukuha ng atensyon at kailanman ay hindi siya nag-demand ng apology mula sa guwardya, taliwas sa mga kumakalat na balitang pinagso-sorry niya ito. Tinanggap niya raw ang sorry ng pamunuan at hindi na hiniling pa na humingi ng tawad ang guard.

Here's the real story!!!Eto ang dahilan kung bakit lumalala ang sitwasyon dahil sa mga balitang walang katotohanan…

Posted by Darna Evangelista on Saturday, August 31, 2019

“Nauna pang issue ‘yon or case bago mag-Gretchen. Actually wala naman na masyadong problema sa amin, kumbaga, case solved na ‘yon, e. Ang pinagtataka ko lang, bakit may kumakalat na write-ups na pinahihingi ng sorry ‘yong guard. Kasi ‘yong term na ‘pinahihingi ng sorry’, ‘yon ang nagpapalala ng sitwasyon,” wika niya.

Dagdag pa rito, ibinahagi niya raw ang post para mag-create ng awareness.

Panoorin ang mga klaripikasyon ni Evangelista:

Posted by Darna Evangelista on Tuesday, September 3, 2019

Add Comment