Sponsored Links
Advertisement

Pagkatapos ng Polio, Diphtheria Outbreak Naman — DOH

Pagkatapos ng mga kaso ng polio sa Pilipinas, pinangangambahan naman ngayon ang posibleng outbreak ng diphtheria. Ito ay ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Ang muling pagkalat ng nasabing nakamamatay na sakit ay dulot umano ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa.

Ang Diphtheria ay ay isang bacterial infection na nakakaapekto sa ilong at lalamunan ng pasyente.

“In the last few months, we have also discussed as well several cases of diphtheria emerging as well in some regions of the Philippines,”ayon sa DOH. 

Sinabi pa ng DOH na nagkakaroon din ng issue sa availability ng diphtheria anti-toxin na kinakailangan sa pagkontrol ng pagkalat ng nasabing sakit.

Ang Diphtheria ay gumagawa ng makapal na layer na kung tawagin ay  “pseudomembranes” sa likod ng lalamunan. Ang makakapal na layers na ito ay bumabara sa daanan ng hangin at nagiging sanhi ng hirap sa paghinga.

Sa mga malalang kaso nito, pinapahina din nito ang heart muscles, nagdudulot ng pagsakit ng dibdib at maaring maging sanhi din ng sakit sa puso.

Sa Pilipinas, hinihikayat ang mga sanggol na bigyan ng shots ng DPT para maprotektahan tungkol sa diphtheria. Ayon sa DOH, ang muling pagsibol ng matagal nang kontroladong nakamamatay na sakit ay maaring resulta ng mababang vaccination rate.

Add Comment