Sponsored Links
Advertisement

Presidente Duterte, walang pakialam kahit magsara ang PUP

Ilang araw matapos i-veto ang bill na magbibigay sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng “national polytechnic university” status, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pakialam kahit na magsara pa ang nasabi state university.

“Kayo diyan ‘yang p’wede nating sarahan ‘yang PUP. Wala akong pakialam sa kanila. Go ahead,” saad niya sa isang panayam.

Isinisi rin ni Duterte sa mga magulang ang pagsali ng ilang PUPian sa mga rebeldeng grupo.

“Maghanap kayo ng armas. ‘Pag makita kayo ng sundalo o pulis, ang order ko nga dead or alive, patayin mo…. You want to go to the mountains, demand, extort food? Go ahead. Gusto ninyong may galit kayo sa mundo kasi ganyan kayo at ‘yong iba meron, ikaw wala? E, hindi na kasalanan ng gobyerno. Kasalanan ng magulang ninyo ‘yan,” aniya.

Kamakailan ay napabalita ang pagkawala ng ilang estudyante ng PUP na sinasabing sumapi sa mga makakaliwang grupo.

Add Comment