Sponsored Links
Advertisement

Sanchez’s son: Kayo ang dapat mag-sorry, 26 years nakulong ang ama kong walang kasalanan

Iginiit ng anak ng dating Calauan mayor na si Antonio Sanchez–ang politikong nakulong sa salang panggagahasa at pagpatay noong 1995–na wala silang dapat ihingi ng tawad sa kahit sino dahil wala naman daw talagang kasalanan ang kanyang ama.

Ina ng ginahasa at pinatay na si Eileen Sarmenta, pumalag sa nakatakdang paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio…

Posted by Even Demata on Wednesday, August 21, 2019

“Sa totoo lang, dapat kayo nga humingi ng sorry sa amin, e. Dahil ipinakulong n’yo ang ama ko for 26 years na walang kasalanan,” binigyang-diin ng panganay na anak ni Antonio na si Allan.

“Sana naman po ang ating justice dito sa ating bansa, maging fair naman po kayo. H’wag naman po kayong one-sided, dahil lang po kay Mayor Sanchez na makakalabas na, hindi n’yo mabigyan ng chance samantalang na-reform na ‘yong tao na ‘yon. Na-reform na sa Bureau of Corrections,” dagdag pa ni Allan. “The law applies to all.”

Ipinarating din niya sa mga kaanak ng mga napaslang na kaisa sila nito dahil pare-pareho lamang silang mga biktima na pinagkaitan ng hustisya.

Matatandaang noong Agosto noong naibalita na posibleng makalaya si Antonio–na nakulong sa salang panggagahasa at pagpatay sa estudyanteng si Eileen Sarmenta at pagpaslang sa isa pang mag-aaral na si Allan Gomez–dahil sa batas na pumapayag na pakawalan ang mga convicted prisoner dahil sa pagkakaroon nila ng “good behavior” habang nasa selda.

Tinutulan ito ng marami; hindi lamang ng mga kaanak ng dalawa, kung hindi pati ng mga ordinaryong mamamayan na naniniwalang hindi dapat saklawin ng batas na ito ang isang tao na napatunayang gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Sa huli, nasagot ang panawagan ng mga taong ito matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Corrections at sa justice department na tiyaking hindi makalalaya ang dating mayor.

“The request that I received from Malacañang was to hold the processing of Mayor Sanchez’s case until all the factual and legal issues have been fully threshed out,” ani Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Senador Bong Go, ang balitang pagpapalaya kay Antonio ay ikinagalit ng pangulo.

“He should stop dreaming that he will ever get out of prison. You should pay for your sins there. Your life will be shorter if ever you get out of prison,” aniya.

Add Comment