Sponsored Links
Advertisement

Sang-ayon Ka Ba Sa Ginawa ng Chief ng Pulis sa Nakaidlip na Tauhan?

Nagulat at akmang bubunot pa ng baril ang isang opisyal nang gisingin ito ni Police Chief Guillermo Eliazar sa Las Pinas.

Nakilala ang pulis na Desk Officer ng Las Pinas PCP2 na si Danny Cerbito. Gulat na gulat ito nang maalimpungatan at napahawak pa sa service firearm na nakasukbit sa baywang nito. Tila binnuhusan ng malamig na tubig at hindi malaman ang gagawin nang mahimasmasan at matukoy na mismong ang hepe pala ng Pulisya ang mismong nasa harapan niya at gumising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog habang nakaupo sa likod ng kanyang mesa.

Bukod dito, 2 pulis Las Pinas pa ang nahuling natutulog habang nasa oras ng duty. Kaagad dinis-armahan ang mga nasabing pulis. Ayon kay NCR Police Chief Eliazar, hindi dapat mag-duty ang mga pulis ng 24 oras. Ito ay bungsod ng katwiran ng ilang nahuling pulis na wala pa umano silang tulog kayat napipilitan silang umidlip sa oras ng duty. Ayon kay Eliazar, nakakahiya sa taong bayan na ang mga pulis na natutrulog sa oras ng duty.

Pinagre-report ang mga nahuling pulis kasama ang kanilang mga superior sa opisina ng NCRPO upang magpaliwanga. Ang mga pulis na nahuling natutulog ay maaring sampahan ng kasong neglect of duty at maaring masuspinde ng isa hanggang dalawang buwan.

Patuloy ang pag-iikot ni NCRPO Chief Eliazar sa ibat-ibang bahagi ng Kamaynilaan upang bigyan ng leksiyon ang mga pulis na nagpapabaya at natutulog sa oras na dapat ay nagsisilbi sila para sa kaligtasan ng mamamayan at katahimikan ng pamayanan.

Add Comment