Sponsored Links
Advertisement

Senator Bato: Sa mga paghihirap ko sa PMA, diyan ako naging disiplinado

Ilang araw matapos yumao ang hazing victim na si na si Philippine Military Academy (PMA) Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio, 20, nagpahayag ng simpatya at pakikiramay si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

 

Doon ay nagsalita rin siya tungkol sa mga pagpapahirap sa loob ng PMA. Aniya, kabilang ang mga hirap na ito sa mga humubog sa kanya.

“Hindi ko jinujustify, ha…porke dinaanan ko na ‘yan, natapos na ako ng four years na bugbugan sa academy, jinujustify ko na? But again for me, coming from me, I must tell you, ‘yong lahat ng dinaanan kong paghihirap, diyan ako naging disiplinado, at [dahil] diyan [kaya] ako naging director ngayon. Bakit ako, sometimes I am very tough, and sometimes I am very soft because of ‘yong dinaanan kong training,” ani Dela Rosa.

“Alam mo, we’re…nagde-deal kasi kami ng tao, e, kalaban. You should be tough. Ang kalaban mo diyan mga criminal, ang kalaban ng mga military mga NPA or mga Abu Sayyaf. So kung hindi mo i-subject sa tough training ‘yong police at sundalo, you will have a very weak armed forces at saka pulis,” dagdag pa niya.

Kamakailan, mula sa pagiging persons of interest ay itinuring nang suspek ng Baguio Police ang tatlong upper classmen ni Dormitorio. Tiniyak ng PMA na mabibigyan ng kaukulang parusa ang mga gumawa nito sa kadete.

“All forms of maltreatment are not allowed and will be punished severely, meron at meron pong kaso na ifa-file sa ating mga kadete na nagkamali sa nangyaring ito,” ani Maj. Reynan Afan, acting chief ng PMA Public Affairs Office.

Samantala, isinusulong na ngayon ng isang mambabatas na gawing heinous crime ang hazing.

Ganito rin ang gusto ng mga magulang ng isa pang biktima ng hazing na si Horacio Castillo III, dahil patuloy daw na binabalewala ang mga batas tungkol sa hazing.

Add Comment