Sponsored Links
Advertisement

Viral video: Karakter ni Andrea sa The Better Woman scene, nag-iba bigla ang damit

Moderno na ang panahon ngayon ngunit hindi maitatanggi na hindi pa rin biro ang paggawa ng films at series kung saan gumaganap ng dalawang karakter ang isang artista, partikular na ang role ng isang kambal. Sa nasabing role, isang malaking hamon ang mga eksena kung saan magkasama ang kambal.

Isa sa mga palabas na nagtatampok ng kambal ay ang teleserye nina Andrea Torres at Derek Ramsay.

Kamakailan ay nag-viral ang isa sa mga eksena rito dahil kitang-kita na biglang nag-iba ang damit ng karakter na ginagampanan ni Andrea. May nagbahagi ng clip na ito sa Facebook, kung saan nakakuha ito ng lampas 2.2 million views at halo-halong reaksyon mula sa netizens.

“Hala, oo nga, ‘no hahaha. Pero kahit gano’n, ganda pa rin panoorin kasi nakakainis ‘yong kontrabida hahahaha,” ani Ladylyn Ocbian Apsay.

“Meron nga sa scene na ‘yan, e. Tinatali ‘yong paa ng babae. Isang paa pa lang, hinatak ‘yong kaliwa, sumabay na ‘yong kanan, e. Wow, ah . Partida tulog ‘yon,” wika ni Angellifer Pangilinan.

“Minsan iniisip ko na lang na sinasadya ng GMA ‘yong mga ganitong pagkakataon para sa publicity,” sabi naman ni Joseph Soriano.

May mga nagsabi rin na edited ang video at humahakot lamang daw ng views at likes ang nag-post.

Gayunman, kung titingnan ang video na ini-upload ng GMA sa YouTube, makikita na talagang nag-iba ang suot ng nagtanggal ng panyo.

Nakalimutan kayang magpalit ng damit ng double ni Andrea o masyado itong napaaga sa pagpapalit ng damit? Makikita kasi na kahawig ng damit na ito ang suot ni Andrea sa latest episode ng series.

Ano’t ano pa man, mukhang may nakalimot mag-edit o may hindi nakapansin sa nasabing shot. Pero sabi nga ng ilan, maliit na pagkukulang lang naman ito at hindi naman dapat sa mali lamang nakatingin ang mga manonood.

Add Comment