Sponsored Links
Advertisement

Lalaki Nasabugan Ng Binobombahang Gulong, Patay

Tuguegarao City, Cagayan—Hindi inakala ng isang lalaki na ang simpleng pagbobomba ng hangin sa gulong ng sasakyan ang magiging mitsa ng kanyang buhay  matapos sumabog ito habang binobombahan.

Sinawing-palad ang isang lalaki matapos itong masabugan ng gulong ng isang truck na kanyang binubombahan sa Tuguegarao City nitong Martes. Naganap ang insidente malapit sa isang Mall sa nasabing lugar.

Kinilala ng Tuguegarao City Police Station (TCPS) ang biktima na si Marvin Vargas, 29. Nagtatrabaho ang biktima bilang isang tire man sa ginagawang konstruksyon ng mall.

Ayon sa police report sinusukat umano ng biktima ang kinakargang hangin sa gulong ng isang truck ng biglang sumabog ito.

Humagis ang biktima sa lakas ng pagsabog at tumama ang ulo sa isang bakal na nakahambalang malapit sa kanya na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napag-alaman na ang nasobrahan sa air pressure ang gulong ng nasabing truck sanhi ng pagsabog nito.

Ang gulong ng sasakyan ay may posibilidad na sumabog dahil na rin sa malakas na pressure na naiipon sa loob nito. Pinapayuhan na inspeksyunin muna ang gulong  bago kargahan ng hangin lalo na kung ito ay may kalumaan na. Bawat gulong gaano man kalaki ay may itinakdang air pressure requirement upang maiwasan ang disgrasya.

Add Comment