Sponsored Links
Advertisement

OFW Sa Kuwait, Inundayan Ng Saksak Ng Customer na Kuwaiti

Salmiya, Kuwait—Isang overseas Filipino worker sa Kuwait ang nagtamo ng anim na saksak nang atakehin siya ng customer na Kuwaiti. Ayon sa biktimang kinilala lamang sa pangalang “Ronnie”,  nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan niya at sa 3 customer na Kuwaiti sa kanyang pinagtatrabahuhang spa sa Salmiya, Kuwait. Bigla umanong ibinato ng Kuwaiti ang kanyang pera sa front desk at doon na sila nagpang-abot ng mga customer. Agad ding umalis ang mga customer pagkatapos ng insidente. Bumalik pa umano ang isa sa mga customer na Kuwaiti na nakatakip na ang mukha at may dalang screwdriver. Inundayan nito ng saksak si Ronnie pero nakapalag din ito.

Nakaligtas ito sa pananaksak subalit nagtamo ng anim na tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan. “Tumawag ako ng taxi…nawalan ako ng malay po dahil sa dami ng dugo na nawala”, ani Ronnie. nagsumite na ng sinumpaang salaysay ang biktima laban sa suspek na Kuwaiti na ayon sa biktima ay mga lasing. Iimbestigahan na umano ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang naturang kaso. “We will get to the bottom of this case, we will file a case with a lawyer na ipagkakaloob sa kanya ng embahada..”, pahayag ni Vice Consul Adrian Bacay.

Paalala nila sa mga OFW na nakakaranas ng pananakit katulad ng sinapit ni Ronnie, huwag na huwag mag-atubiling lumapit at humingi ng tulong sa embahada.

Add Comment